Yahoo! News Search Results for election 2010

Tuesday, January 3, 2012

Pokwang's first lead role in "A Mother Story" | Opens January 28, 2012

"A Mother Story" ay ang upcoming movie ng Star Cinema na ipapalabas sa January 28, 2012. Ito ang unang handog ng Star Cinema sa taong ito. Ito ang kaunaunahang movie na produced ng The Filipino Channel.


Ang kwento ay umiikot sa buhay ng OFW na si Medy na gagampanan ni Pokwang. Ito ang unang lead role ni Pokwang at malayong-malayo ang role na ito sa mga nakasanayan ng tao sa kanya. Hindi siya magpapatawa dito kundi magpapaiyak sa mga tao, lalong-lalo na sa mga OFW na siguradong makakarelate sa kwento ng movie.

Ang kwento ay tungkol sa karanasan ni Medy na nagtrabaho sa ibang bansa para sa kanyang pamilya. Napilitan siyang iwan ang kanyang anak na sina King (Rayver Cruz) at Queenie (Xyriel Manabat). Nangako siya sa mga anak niya na babalik siya kaagad ngunit hindi niya natupad ang pangakong ito. Sa halip ay 7 years after pa siya nakabalik sa kanyang pamilya.

Ang panganay na si King at ang kanyang asawang si Gerry (Noni Buencamino) ay nahirapang tanggapin ang pagbabalik ni Medy matapos silang iwan ng 7 years. Akala nila pareho na naging madali ang buhay ni Medy sa America, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Wala silang idea sa mga paghihirap na dinaanan ni Medy sa kamay ng kanyang mga amo.

Isa pang problema na haharapin ni Medy sa kanyang pagbabalik ay ang isang bagay tungkol sa kanyang asawa na hindi niya inasahan.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Daria Ramirez, Ana Capri, Jaime Fabregas, Aaron Junatas, K Brosas, at ang special participation ni Atty. Michael Gurfinkel.

Unang naipalabas ang pelikula sa Los Angeles, California noong November 6, 2011.




No comments:

Powered By Blogger