Yahoo! News Search Results for election 2010

Saturday, January 7, 2012

PBB Unlimited 5th Eviction Night: Luz, Tol and Kigoy were evicted from PBB Unlimited House

Ngayong gabi, January 7, ang kauna-unahang Eviction night ng PBB Unlimited sa taong 2012.

Unang inanunsiyo ang pagkaka-evict ni Mama Luz McClinton mula sa Team Wayuk na nagsilbing ina ng mga housemates sa loob ng bahay ni Kuya. Hindi na bago si Luz sa set of nominees dahil naging nominado din ito sa mga nakaraang nominations.

Pangalawang inanunsiyo ang pagkaka-evict ni Tol Chua, na nagsilbi namang ama ng Team High Voltage. Naging consistent si Tol sa list of nominees linggo-linggo. It ay sa kadahilanang nahihirapan siyang makibagay sa kanyang mga kapwa housemates.

Si Kigoy Albarico naman ang pangalawang housemate mula sa Team High Voltage ang na evict sa gabing ito. Naging mainitin ang ulo ni Kigoy sa loob ng bahay kaya't madalas siyang nasasangkot sa mga away sa bahay ni Kuya. Subalitl hindi matatawaran ng paglabas ni Kigoy ang pagkikita nilang muli ng kanyang ina na matagal na nawalay sa kanya. Bilang sorpresa, ang ina ni Kigoy ang sumundo sa kanya sa kanyang paglabas ng bahay.

Isa pang housemate ang lalabas ng bahay ni Kuya ngayong gabi dahil sa Forced Eviction.

Tuesday, January 3, 2012

Pokwang's first lead role in "A Mother Story" | Opens January 28, 2012

"A Mother Story" ay ang upcoming movie ng Star Cinema na ipapalabas sa January 28, 2012. Ito ang unang handog ng Star Cinema sa taong ito. Ito ang kaunaunahang movie na produced ng The Filipino Channel.


Ang kwento ay umiikot sa buhay ng OFW na si Medy na gagampanan ni Pokwang. Ito ang unang lead role ni Pokwang at malayong-malayo ang role na ito sa mga nakasanayan ng tao sa kanya. Hindi siya magpapatawa dito kundi magpapaiyak sa mga tao, lalong-lalo na sa mga OFW na siguradong makakarelate sa kwento ng movie.

Ang kwento ay tungkol sa karanasan ni Medy na nagtrabaho sa ibang bansa para sa kanyang pamilya. Napilitan siyang iwan ang kanyang anak na sina King (Rayver Cruz) at Queenie (Xyriel Manabat). Nangako siya sa mga anak niya na babalik siya kaagad ngunit hindi niya natupad ang pangakong ito. Sa halip ay 7 years after pa siya nakabalik sa kanyang pamilya.

Ang panganay na si King at ang kanyang asawang si Gerry (Noni Buencamino) ay nahirapang tanggapin ang pagbabalik ni Medy matapos silang iwan ng 7 years. Akala nila pareho na naging madali ang buhay ni Medy sa America, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Wala silang idea sa mga paghihirap na dinaanan ni Medy sa kamay ng kanyang mga amo.

Isa pang problema na haharapin ni Medy sa kanyang pagbabalik ay ang isang bagay tungkol sa kanyang asawa na hindi niya inasahan.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Daria Ramirez, Ana Capri, Jaime Fabregas, Aaron Junatas, K Brosas, at ang special participation ni Atty. Michael Gurfinkel.

Unang naipalabas ang pelikula sa Los Angeles, California noong November 6, 2011.




Monday, January 2, 2012

Anne Curtis prepares for her 1st solo concert "No Other Concert"

Naghahanda na nga ang Box-Office Queen and certified recording artist na si Anne Curtis para sa kanyang upcoming concert sa Araneta Coliseum sa January 28, 2012. Ito ay ang kanyang No Other Concert.






Nag-rerehearse na ngaun ang actress para sa concert.

Ngayong papalapit na ang kanyang concert, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Anne. Pero higit sa lahat, mas lumakas daw ang loob niyang gawin ang concert dahil sa suportang binibigay ng kanyang libo-libong Twitter followers.

Bilang pagpupugay sa kanyang mga Twitter followers, kakantahin ni Anne sa kanyang concert ang hit song ni Nicki Minaj na Super Bass. Ito ay matapos i-request ng karamihan sa kanyang Twitter followers.

Ani ng actress, manunuod muna siya ng concert ng idol niyang si Katy Perry sa Manila dahil mauuna ang concert ng international singer kaysa sa kanya. Sabi pa niya, huwag daw siyang ikompara kay Katy Perry dahil magkaiba naman daw ang genre nila 
Powered By Blogger